Thursday, June 5, 2008

Ang simula

Wala lang akong magawa kaya naisipan kong magsulat.

Ano naman kaya ang isusulat ko at para kanino?

Ah, bakit hindi ko kaya isulat ang lahat ng mga kung ano-anong bagay na nangyayari, nababasa, nadidinig ko sa mga bubwit, nakikita sa tabi-tabi, at mga bagay-bagay na pumapasok sa aking guni-guni.

Ngunit sa dami ng mga bagay na iyon, mahihirapan lang ako, eh katunayan meron na akong blogs tungkol sa aking bayan (anything about palawan), sa kung paano kumita (becoming rich) at pagiging malusog at fit (journey to a fit life).

Kaya napagpasyahan kong isulat na lang ay ang mga kakaiba, nakakamangha, nakakatawang mga pangyayari at mga kwento. Naisipan ko din na dito ko na lang isusulat ang mga bagay-bagay tungkol sa aking trabaho, kaibigan at pamilya.

Para kanino? para sa lahat.. kakilala, kaibigan, ka-pamilya at kahit na sinong aksidenteng napadaan lamang.

Heto ang simula at kapanganakan ng "bantay bahay" blog.

(photo source: pbase.com)

No comments: